-- Advertisements --

Isinampa na ang kasong rape with homicide laban sa suspek sa pagpatay sa 22-anyos na bank employee sa Pasig City.

Nakilala ang suspek na si Randy Oavenada na naaresto ng mga pulis sa kanilang bahay sa loob ng isang impounding area.

Ayon kay Pasig Police chief Pol. S/Supt. Orlando Yebra, malakas ang ebidensiya laban sa suspek, isa rito ang resultang inilabas ng Philippine National Police (PNP) Crime Lab kung saan nag-match ang fingerprints nito sa nakuhang mga bakas ng kamay sa cellphone ng biktimang si Mabel Cama.

Positibo rin sa iligal na droga ang suspek batay sa resulta ng laboratory test.

Kanina ay isinailalim sa inquest proceedings si Oavenada sa Pasig Regional Trial Court ngunit hindi pa naisampa ang use of illegal drugs dahil makikipag-ugnayan pa raw sila sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ayon kay Yebra, hanggang sa ngayon hindi umaamin ang suspek sa krimen.

Naniniwala naman si Yebra na may kasabwat si Randy nang halayin at patayin nila ang biktima dahil may nakita pa ang PNP na ibang fingerprints sa cellphone ng biktima.

Batay sa kanilang imbestigasyon at sa crime lab resulta, naumpisahang sunugin ang lower extremities kung saan nagkaroon ng malaking pinsala.