-- Advertisements --
Ikinu-konsidera na pamahalaan ang pagha-hain ng sedition charges o iba pang mas matinding kaso laban kay Vice President Sara Duterte, kasunod ng pagbabanta nito sa buhay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Inihayag ni Justice (DOJ) Undersecretary Jesse Hermogenes Andres na ikinu-konsidera na nila bilang mastermind ng assasination plot sa pangulo, sa Unang Ginang, at sa House Speaker ang Bise Presidente, kasunod ng mismong pag-amin nito sa plano sa isang video.
Mahaharap aniya sa legal na aksyon ang Ikalawang Pangulo.
Tinitignan rin aniya nila ang conspiracy at tinutukoy na rin ang pagkakakilanlan ng mga posibleng kasabwat sa planong ito.