-- Advertisements --
image 84

Umaasa ang top diplomat ng Pilipinas sa China na magbubunga ng mas maraming oportunidad sa trabaho para sa mga Filipino customer service provider ang kamakailang bilateral meeting ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Chinese President Xi Jinping.

Sa paglagda ng isang kasunduan na magbibigay-daan sa mga Pilipino na makakuha ng technology and technological knowledge mula sa China, inaasahan ni Ambassador Jaime FlorCruz na ang mga Chinese companies ay magsisimulang kumuha ng mga Pilipino bilang kanilang backbone para sa customer support.

Ang industriya ng IT ay isa lamang sa mga industriyang pinalakas kasunod ng tatlong araw na pagbisita ni Marcos sa China.

Kabilang sa iba pang mga industriya ay ang agrikultura at imprastraktura, kung saan inaasahang mas maraming oportunidad ang mabubuo para sa mga Pilipino.

Samantala, sinabi ni FlorCruz na isusulong ng Philippine Embassy sa China ang people-to-people exchange ng dalawang bansa para sa taong ito.

Sisimulan ng embahada ang mga programang maghihikayat sa mga Pilipino na pag-aralan ang agham, sining, at wika ng Tsino, kung isasaalang-alang na ang “Asian neighbor” ay nagkaroon ng maraming tagumpay sa naturang mga larangan.

Top