Pormal nang nilagdaan ng Technical Education and Skills Development Authority ang isang Memorandum of Agreement sa isang International Cybersecurity and Information Technology Training Organization.
Layon ng kasunduan na ito na magsagawa ng mga pagsasanay na may kinalaman sa cybersecurity dito sa Pilipinas.
Sa isang pahayag, sinabi ni TESDA Director General Secretary Suharto Mangudadatu na ito ay inaasahang makapagbibigay ng sapat na cybersecurity skills .
Ito ay sa tulong narin ng CybersCool Defcon, Inc. na siyang bahagi ng National Technical Education and Skills Development Plan 2023-2028..
Aniya, malaki rin ang maitutulong nito para magkaroon ng secure at reliable cyberspace para sa bawat Pilipino .
Kung maaalala, ilang mga kaso na rin ng iba’t ibang banta online kabilang na ang cyber terrorism ang naitala sa bansa.
Kabilang sa mga ihahatid ng kasunduan ay skills training, assessment at certification sa mga papasa at kwalipikadong benepisyaryo. ng naturang programa.
Maaari namang lumahok ang 18 taong gulang pataas o high school graduate partikular na ang mga indibidwal na walang trabaho.