Lumagda na ang Philippine Dispute Resolution Center (PDRC) at Permanent Court of Arbitration (PCA) sa isang cooperation agreement para isulong ang resolution kaugnay sa international disputes sa PH at sa Southeast Asian region sa pamamagitan ng arbitration at iba pang paraan.
Sa ilalim ng kasunduan, magtutulungan ang 2 panig sa pag-organisa ng mga pagpupulong at pagdinig ng PCA sa pasilidad ng PDRC sa BGC, Taguig.
Magsasagawa din ng PDRC meetings at hearings sa pasilidad ng PCA sa Peace Palace sa The Hague, Netherlands at magpapalitan ng impormasyon at magsasagawa ng conference, seminars at specialized events.
Kumatawan sa PDRC para sa paglagda ay ang presidente nito na si Rogelio Nicandro habang sa PCA naman ay si PCA Secretary-General Dr. Marcin Czepelak