-- Advertisements --

KALIBO, Aklan — Dinisenyo ng Aklanon designer na si Lesley Mobo ang tradisyunal na terno na isinuot ni first lady Louise “Liza” Araneta-Marcos para sa unang State of the Nation Address (SONA) ng kanyang asawa na si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. kahapon.

Ito ay may disenyong piña calado, Victorian lace at gold.

Si Mobo rin ang gumawa ng damit ng first lady sa inagurasyon ni PBBM noong Hunyo 30.

Sa kabilang daku, si Senadora Risa Hontiveros naman ay nagsuot ng modernong baro’t saya na gawa rin sa Aklan piña fabric at binurdahan mula sa Lumban, Laguna. Napaikutan ito ng hand-woven Tikog bag mula sa Samar.

Kahit ang suot na tradisyunal na Filipiniana terno ni Senador Nancy Binay na gawa ng local designer na si Randy Ortiz ay gawa sa piña fabric mula sa Aklan at ang sleeves naman ay may sport callado embroidery habang ang harap at likod ay may sampaguita cutouts na gawa rin sa piña fabric.

Nauna dito, sinabi Pangulong Marcos na tunay na maipagmamalaki ang obrang Pinoy sa anumang larangan.