Pinuri at kinilala ng Estados Unidos ang matapang na hakbang na ginawa ng Pilipinas sa pag-aalis ng mga floating barriers na inilagay ng China sa Bajo de Masinloc shoal upang harangan ang mga Pilipinong mangingisda na makapasok sa lugar.
Sa isang congressional hearing ay muling pinagtibay ni US Deputy Assistant Secretary of Defense for South and Southeast Asia Lindsey Ford ay binigyang-diin ang katapangang ipinamalas ng Philippine Coast Guard sa pagtatanggal ng mga floating barriers.
Kasabay ay ang muli ring pagpapatibay ng Washington sa suporta nito sa ating bansa bilang bahagi ng kanilang commitment sa kanilang mga kaalyadong bansa sa Asya.
Kung maaalala, una nang idinepensa ng China ang paglalagay ng kanilang coast guard ng floating barrier sa Bajo de Masinloc at sinabing ito ay dahil sa umano’y ilegal na pagpasok ng mga Pilipinong mangingisda sa lugar.
Giit ng Foreign ministry ng China, ang naturang hakbang daw ng kanilang mga tauhan ay bahagi lamang ng “necessary measures” nito sa lugar matapos ang umano’y panghihimasok ng barko ng BFAR sa katubigang pinipilit nilang angkining pag-aari ng kanilang bansa.