-- Advertisements --

Ikinasa ng Department of Justice ang isang caravan na kung tawagin ay Katarungan Caravan para sa mga matatanda at may sakit na Persons Deprived of Liberty (PLDs) sa New Bilibid Prison, lungsod ng Muntinlupa.

Kung saan nabigyang tulong at asiste ang nasa 270 PDLs sa pangunguna ni Undersecretary-in-charge Margarita N. Gutierrez, DOJ Action Center Director Joan Carla Guevarra katuwang ang Bureau of Corrections.

Layunin sa naturang caravan na mabigyang hustisya ang mga nakakulong na hirap nang humarap o lumaban pa sa korte sa kadahilanan ng katandaan o sakit.

Sa inisyatibong ito, tumulong rin ang ilang volunteer legal professionals mula sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) Quezon City at Manila 3 Chapters ng iba’t ibang law schools.

Pati ang mga kinatawanan ng Public Attorney;s Office o Pao ng Muntinlupa City ay nakiisa rin sa naturang gawain.

Ayon kay Undersecretary-in-charge Margarita N. Gutierrez, ang aktibidad na ito ay bilang pagpapakita ng pagkalinga at pagiging makatao na alinsunod sa kanilang trabahong ginagampanan.

Agad naman itong pinuri ni DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla Lalo na ang mga volunteers sa kanilang pakikiisa at patuloy na pagpapahalaga sa kanilang mga adbokasiya.