CENTRAL MINDANAO – Nagpulong ang 4th Mindanao River Basin Management Council sa probinsya ng Cotabato.
Ito ay pinangunahan ni Cotabato Governor Nancy Catamco bilang myembro ng MRBMC, naroon din sina Emmanuel “Manny” Piñol ang chairman ng Midanao Development Authority, at Archbishop Orlando Quevedo, OMI, DD, ang chairman ng MRBMC.
Isang malawakang pagpupulong ang ginanap dahil naroroon din ang ibang lideres, at kawani ng iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan galing sa nasyonal at lokal na pamahalaan.
Ang ibang ‘di nakadalo ay nakilahok naman sa pamamagitan ng webinar meeting.
Ang layunin ng naturang organisasyon at pagpupulong ay upang matugunan ang problema ng pagbaha, partikular na sa mga lugar na nakapaligid sa Liguasan Marsh.
Matatandaang maraming lugar sa probinsya ang nasalanta ng pagbaha noong kasagsagan ng mga bagyong Frank.
Ito rin ay isang hakbang ng liderato ni Gov. Catamco upang maiwasan pa ang mga sakuna, at hindi matulad ang probinsya sa kalunos-lunos na pangyayari sa ating mga kababayan sa Cagayan.