Dinala na ang mga labi ng anim na sundalo na nasawi sa nangyaring sagupaan ng tropa ng militar at Dawlah Islamiyah-Maute Group sa Zamboanga del Sur para sa isasagawang vigil.
Ito ay inilagak sa headquarters ng 1st Infantry Division sa Camp Major Cesar Sang -an sa Labangan, Zamboanga del Sur ngayong araw.
Kinumpirma ito mismo ni Philippine Army spokesperson Col. Louie Dema-ala
Ang mga sundalong ito ay nasawi matapos ang enkwentro sa Barangay Ramain, Munai, Lanao del Norte noong February 18. ng kasalukuyang taon.
Nasawi rin sa panig ng mga terorista ang kanilang tatlong miyembro.
Lahat naman ng anim ay enlisted military personnel: tatlo ang corporal, isa ang may ranggo na private first class, at dalawa ang private.
Apat na sundalo naman ang naitalang wounded in action.
Sa panayam ng Bombo Radyo Philippines kay Philippine Army spokesperson Col. Louie Dema-ala, tiniyak nito sa mga naulilang pamilya ng anim na sundalong nasawi ang kaulang tulong mula sa kanilang hanay at sa gobyerno ng Pilipinas.