-- Advertisements --

NAGA CITY- Natagpuan na ang wala ng buhay na katawan ng dalawang binatilyo na pinaghihinalaang nalunod matapos na maligo sa dagat sa San Fernando, Camarines Sur.

Kinilala ang isa sa mga biktima na 16-anyos na binatilyo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Police Executive Master Sergeant Restituto II Cabral, Chief Investigator ng San Fernando Municipal Police Office, sinabi nito na una ng natagpuan ang katawan ng 16-anyos na biktima habang ang pangalawang katawan ang kaninang umaga pa lamang nakita.

Pinaghihinalaan na ang malakas at malalaking alon ang naging dahilan ng pagkalunod ng mga biktima.

Kaugnay nito, kaagad naman umano na gumawa ng aksyon ang mga awtoridad upang maisalba pa ang dalawa pero sa kasamaang palad ay wala ng buhay ng makita ang nabanggit na mga biktima.

Sa ngayon, paalala na lamang ng opisyal sa lahat na iwasan na maligo sa dagat at iba pang paliguan lalo na kung mayroong sama ng panahon upang hindi na maulit pa ang kahalintulad na insidente.