-- Advertisements --

NAGA CITY-Nakuha ang katawan ng isang lalaking nalunod sa Plaridel, Quezon.

Kinilala ang biktima na si alyas Edwin, 56 taong gulang at residente ng Barangay Concepcion sa nabanggit na bayan.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nakakuha aniya ng tawag ang Plaridel Municipal Police Station na may isang bangkay na nakitang lumulutang sa karagatan na parte pa ng Barangay Tanauan ng nabanggit na bayan.

Ang bangkay ay una aniyang nakita na lumulutang malapit sa baybayin ni Edwin Calingasan, isang construction worker, habang ito ay nagsa-sight seeing sa likuran ng gusali kung saan ito nagtatrabaho.

Huli aniyang nakita ang biktima na si alyas Edwin na lango sa alak, naglalakad-lakad at sumisigaw-sigaw malapit sa pampang.

Wala naman senyales ng foul play sa bangkay nang ito ay nakuha, at sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng pamilya nito ang katawan ng biktima.