-- Advertisements --

NAGA CITY-Nakuha ang katawan ng isang hindi pa nakikilalang lalaki na pinatay sa Sariaya, Quezon.

Ang biktima ay tinatayang nasa edad na 35 hanggang 45, may taas na 5’4 hanggang 5’6, nakasuot ng blue na striped t-shirt at itim na shorts.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Quezon Police Provincial Office, nakatanggap aniya ang Sariaya Municipal Police Station ng tawag mula sa isang barangay official ng Brgy Castañas, Sariaya, na may natagpuang bangkay sa sa shoulder portion ng Eco Tourism road na parte pa ng nabanggit na barangay.

Base sa imbestigasyon ng mga awtoridad, natagpuan ang bangkay bandang 9:10 ng gabi, kung saan ang mga kamay nito ay nakatali gamit ang isang nylon cord at may mga tama ng bala sa likod.

Sa kasalukuyan hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan ng biktima at posibleng pinatay ito sa ibang lugar at dinala lang sa nabanggit na lokasyon.

Sa ngayon nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad tungkol sa nangyaring insidente.