-- Advertisements --
NAGA CITY- Patay na ng matagpuan sa may ilog ang isang lalaki sa Presentacion, Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si Joseph Mendez, 33-anyos, residente ng Brgy. Pagsangaan sa naturang bayan.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na lumalahok ng fiesta si Mendez ng bigla na lamang itong sapilitang kinuha ng hindi pa nakikilalang mga suspek at natagpuan na lamang na wala ng buhay.
Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na nang matagpuan ang katawan ng biktima ay mayroon itong mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan.
Sa ngayon, nagsagawa na ng follow-up investigation ang mga otoridad para sa posibleng pagkakakilanlan ng mga suspek.