-- Advertisements --

Natagpuan na ang nawawalang tripulante mula sa lumubog na Motor Tanker Terra Nova sa Bataan nitong hapon ng Huwebes.

Ayon sa Philippine Coast Guard, natagpuan ng personnel ng BRP Melchora Aquino kaninang alas-3 ng hapon ang labi ng nawawalang crew sa may bisinidad ng katubigan ng Limay, Bataan.

Una ng sinabi ng PCG na nailigtas na ang 16 mula sa 17 crewmen na sakay ng tanker kung saan 4 sa mga ito ay nangailangan ng karagdagang medikal na atensiyon.

Matatandaan na naglayag ang motor tanker mula Bataan patungo sana ng Iloilo na naglalaman ng 1.4 milyong litro ng industrial fuel nang tumaob ito at saka lumubog kaninag madaling araw nitong Huwebes.

Iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang eksaktong sanhi ng paglubog ng oil tanker kung ito ba ay bunsod ng masamang lagay ng panahon