-- Advertisements --

Natagpuan na ang katawan ng German national na pinugutan ng ulo ng mga bandidong Abu Sayyaf.

Ayon Joint Task Group Sulu (JTF-Sulu) commander Col. Cirilito Sobejana, natagpuan ang bangkay ng biktimang si Juergen Gustav Kantner dakong alas-5:45 ngayong hapon sa Sitio Talibang, Brgy. Buanza, Indanan, Sulu.

Nagsasagawa raw ang JTF-Sulu ng combat, search ang retrieval operations nang matagpuan ang bangkay ng biktima.

Agad naman daw nilang hiniling sa Scene of the Crime Operatives (SOCO) na ipreserba ang crime scene at magsagawa ng post mortem examination sa katawan ni Kantner.

Posibleng umanong idiresto sa morge ng Kuta Heneral Teodulfo Bautista Hospital ang labi ni Kantner habang kinukumpleto ang mga papeles nito para ibiyahe.

Pinugutan ang biktima noong Pebrero 26 ngayong taon matapos mabigong magbayad ang kanyang pamilya ng ransom na  P30 million.