-- Advertisements --
Agaw pansin sa mga fans ang mga larawan ng multi awarded actress na si Kathryn Bernardo, habang kumakain ng grapes.
Hindi kasi simpleng paraan ang kaniyang ginawa, dahil nasa silong siya ng isang mesa.
Nasa lumang paniniwala kasi na nanggaling sa Spain at ito ay tinatawag na “Las doce uvas de la suerte” o Twelve Grapes of Luck.
Kung saan kapag kinain daw ang ubas sa ganoong paraan ay bubuhos ang maraming biyaya.
Makikita rin sa larawan ang fur baby ni Kath na kasama niya sa silong ng lamesa.
Umani naman ito ng iba’t-ibang reaksyon, kung saan may mga natuwa, nagtaka at ang ilan naman ay nagsabing ginagawa rin nila ang ganung tradisyon.