Ibinanahagi ni Kathryn Bernardo sa kanyang social media stories ang mga masasayang ala-ala niya kasama ang kapapanaw lang na aktor na si Ronaldo Valdez.
Nagkasama si Kathryn at Ronaldo sa isang romantic-comedy series na ipinalabas noong nakaraang taon. Naging matunog ang karakter ni Ronaldo na si Hugo Agcaoili, dahil sa panay na tawag dito na “Lolo Sir” ng masiyahing karakter na ginampanan ni Kath na si Nurse Ali. Naging viral din ang ilan sa mga clips mula sa palabas, dahil sa “Lolo-Apo” tandem ng dalawa na nakapagpasaya sa mga fans.
Nagshare si Kathryn ng sumatutal na 17 social media stories bilang pag-alala sa pumanaw na aktor.
Nagpost din ng appreciation letter ang naturang aktres noong November 2022, ilang episodes bago matapos ang naturang serye. Sinabi ni Kath na matagal na niyang hinahangaan si Ronaldo Valdez simula nang mapanood niya ang palabas na “Cedie,” kung saan isa rin sa mga bumida ang naturang aktor. Ayon pa sa aktres na sa kada may nagtatanong sa kanya sa kung sinong aktor ang pangarap niyang makatrabaho, lagi niyang sinasambit ang pangalan na “Mr. Ronaldo Valdez.”
Inihayag din ni Kathryn ang mga hindi niya malilimutang samahan nila ng aktor habang nagtataping sila para sa nasabing serye.
Itinuturing naman ni Ronaldo bilang “5th apo” si Kath, base sa reply niya sa appreciation letter nito noong nakaraang taon.
Si Ronaldo Valdez ang ama ng aktor at singer na si Janno Gibbs.
Samantala, wala pang inanunsyong detalye ang pamilya ng pumanaw na aktor patungkol sa libing nito.
Pumanaw si Ronaldo Valdez sa edad na 76.
Photo courtesy from Ronaldo Valdez’s official social media page.