-- Advertisements --

Usap-usapan ngayon ng mga netizens ang ginawang pag-unfollow ni Kathryn Bernardo sa ex-boyfriend niyang si Daniel Padilla sa isang sikat na social media platform. 

Nitong nakaraang araw lamang ay nakitang magkasama ang dalawa sa kasal ng TV host na si Robi Domingo kaya palaisipan sa marami kung bakit pagkatapos ng kanilang pagkikita ay in-unfollow ng aktres ang dati nitong karelasyon sa loob ng labing-isang taon. 

Sa kabilang banda, nasa following list pa rin ni Daniel si Kathryn at nananatili pa rin ang kanilang litrato at videos sa kanilang mga account.

Matatandaan na kinumpirma ng dalawa ang kanilang hiwalayan noong Nobyembre ng nakaraang taon sa isang social media post.