Magbabakbakan ang malalaking pangalan ng industriya ng pelikula sa paparating na 72nd Filipino Academy of Movie Arts and Sciences o FAMAS Awards.
Sa kategorya nga ng Best Actress ay maglalaban-laban sina Kathryn Bernardo, Eugene Domingo, Charlie Dizon, Marian Rivera, Sharon Cuneta, at ang Diamond Star na si Maricel Soriano.
Habang sa Best Actor naman ay nominado sina Cedrick Juan, Piolo Pascual, Alfred Vargras, Ken Chan, Dingdong Dantes, at Alden Richards.
Magbabakbakan naman sa Best Picture ang mga pelikulang Gomburza, Mallari, Iti Mapukpukaw, Papa Mascot, Rewind, at A Very Good Girl.
Magaganap ang awards night sa May 26 sa isang hotel sa Maynila.
Ang FAMAS ang isa sa mga pinaka-prestihiyosong award-giving bodies ng bansa na kumikilala sa kahusayan ng pelikulang Pilipino mula taong 1953.