-- Advertisements --

Nagtala ng kasaysayan si Katie Taylor ng Ireland matapos talunin si Amanda Serrano ng Puerto Rico.

Ito na kasi ang unang boxing match na pinangunahan ng mga kababaihan na ginanap sa Madison Square Garden sa New York.

Mayroon ng 21 panalo at wala pang talo ang 35-anyos na si Taylor na nagwagi sa pamamagitan ng split decision.

Bukod pa dito ang matagumpay na pagdepensa ng kaniyang WBA, IBF, WBO at WBC titles.

Mayroon ng record ngayon si Serrano na 42 panalo, dalawang talo at isang draw na mayroong 30 knockouts.

Nakamit ng 33-anyos na si Serrano ang titulo sa pitong weight classes mula 115 hanggang 140 pounds.

Noong nakaraang taon din ay matagumpay na naidepensa ni Serrano ang kaniyang WBO at WBC featherweight titles.

Naging makasaysayan ang nasabing laban dahil ito ang unang laban ng dalawang babaeng boksingero na ginanap sa tinaguriang “World Most Famous Arena”.

Ito ang ang unang laban sa pagitan ng pound-for-pound Number 1 at Number 2 mula noong 2008 ng talunin ni Manny Pacquiao si Juan Manuel Marquez.