-- Advertisements --
Nakapagtala ng 6.7 magnitude na lindol ang katimugang parte ng Mindanao, nitong Martes.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nai-record ito kaninang alas-5:48 ng hapon.
May lalim itong 10 km at tectonic ang pinagmulan.
Natukoy ang epicenter sa layong 368 km timog silangan ng Balut Island, Municipality of Sarangani, Davao Occidental.
Wala namang naitalang nasawi at nasugatan, dahil sa gitna ng dagat namataan ang sentro ng pagyanig.
Instrumental Intensities:
Intensity II – Malungon, Sarangani
Intensity I – Alabel, Glan and Kiamba, Sarangani; Don Marcelino, Davao Occidental; City of Digos, Davaao del Sur