-- Advertisements --

Magkakasabay na nagpatupad ng kakapiranggot na bawas presyo ng kanilang produkto ang mga kumpanya ng langis.

Kaninang ala-6 ng umaga ng ipinatupad a ng P0.20 na bawas presyo sa kada litro ng diesel.

Habang ang Kerosene ay mayroong P0.40 na bawas sa kada litro.

Wala namang pagbabago sa presyo ng gasolina ngayong linggo.

Isa sa mga nakitang dahilan ng Department of Energy (DOE) ay ang anunsiyo ng Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) na palakasin ang kasalukuyang suplay ng langis sa buwan ng Abril.

Umangat din ang oil inventory ng US na siyang nagdagdag sa suplay sa buong mundo.