-- Advertisements --

Matapos ang tatlong linggong magkakasunod na taas presyo ng mga produktong petrolyo sa pagpasok ng bagong taon ay magkakasabay naman na nagpatupad ang mga kumpanya ng langis ng kakapiranggot na bawas presyo sa kanilang produkto.

Kaninang alas-6 ng umaga ng ipinatupad nila ang P0.80 na bawas sa kada litro ng gasolina.

Habang mayroong P0.20 na bawas naman sa kada litro ng diesel at ang kerosene ay mayroong P0.50 na bawas sa kada litro.

Sinabi ng Department of Energy (DOE) na ang bawas presyo ay bunsod ng pagtaas ng suplay sa mga produktong langis sa pandaigdigan pamilihan.

Dismayado naman ang mga motorista at tsuper ng pampublikong sasakyan dahil sa maliit na rollback sa mga produktong langis.