-- Advertisements --
DILG USEC MARTIN DINO
MARTIN DINO/ FB POST

DAGUPAN CITY–Inamin ngayon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na marami silang natatanggap na reklamo ng katiwalian at kurapsyon sa barangay level.

Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Dagupan, inihayag ni DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, sa kalakhang Maynila palamang ay marami ng mga barangay kagawad na may dalang mga papeles upang ireklamo ang ginagawang katiwalian sa pundo ng barangay ng kanilang mga punong barangay.

Sa ngayon ayon sa opisyal, sa ngayon ang mahigpit silang kumakalap ng mga mas mabibigat na ebidensya para tumibay ang kasong isasampa nila sa Office of the Ombudsman.

Nagbabala naman ang DILG Undersecretary, na mabigat at sa katunayan ay may pagkakakulong na parusa ang kakarapin ng mga tiwaling punong barangay o treasurer.