-- Advertisements --
Bishop Franco Mulakkal. CNA file photo

Kinasuhan ang isang Katolikong Obispo sa India dahi sa panggagahasa ng madre.

Si Bishop Franco Mulakkal ay inakusahan ng panggagahasa ng madre ng ilang beses mula 2014 hanggang 2016 sa guest house ng simbahan sa Kerala.

Ayon sa police mayroon silang hawak na 83 witness kabilang ang cardinal, tatlong obispo, 11 pari at 25 madre.

Inaresto noong Setyembre si Mulakkal matapos ang protestang isinagawa ng mga madre na inakusahan ang mga pulis ng pagtatakip sa kaso.

Kuwento ng 44-anyos na madre na 13 beses itong ginahasa ni Mulakkal mula 2014 at 2016 kung saan pansamantalang tumutuloy ang pari.

Si Mulakkal ay obispo ng Jalandhar isang lungsod sa northern Punjab.