-- Advertisements --
Inaresto ang isang katolikong pari sa Kenya matapos na akusahan na siya ang nagpakalat ng coronavirus.
Mariing ipinabulaanan ni Fr. Richard Onyango Oduor ang nasabing alegasyon.
Nakapagpiyansa na ito ng kaniyang kaso at nakatakda itong humarap sa korte para sa pagdinig ng kaniyang kaso.
Nakabase sa Rome ang nasabing pari at nagtungo ito sa Kenya para pangunahan ang misa sa burol ng isa nitong kamag-anak.
Lumabas ang akusasyon matapos na mahigit 60 katao na kaniyang nakasalamuha ay itinakbo sa pagamutan matapos na makitaan ng sintomas ng coronavirus.
Na-quarantine na rin ng gobyerno ng Kenya ang ibang mga taong nakasalamuha ng pari.