-- Advertisements --

Nanindigan si Miss Universe Philippines-Tourism 2021 Katrina Dimaranan na pinal na ang desisyon niya sa hindi pagsali sa 2025 Miss Universe Philippines pageant.

Sa social media account nito, ay doon niya sinagot ang katanungan ng mga fans.

Dagdag pa nito na kahit na gusto ay hindi ito ngayon ang kaniyang prioridad.

Taong 2021 ng sumali si Dimaranan sa Miss Universe Philippines pageant kung saan naging second place kay Beatrice Luigi Gomez.

Nagtapos lamang sa pang-limang puwesto si Gomez sa 70th Miss Universe pageant na ginanap noon sa Israel.

Matapos ang pageant ay nagbalik sa US si Dimaranan para ipursige ang kaniyang pagiging nurse.