-- Advertisements --
PBBMDICT

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang negosyanteng si Katrina Gloria Ponce Enrile, ang anak ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile, bilang administrator at chief executive officer (CEO) ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA).

Ang Presidential Communications Office (PCO) ay ginawa ang anunsyo na kung saan binanggit, na ang posisyon ay may ranggo ng Gabinete.

Sa isang post sa social media, pinasalamatan naman ni Enrile si Pang. Marcos para sa pagtitiwala, at sinabing siya ay “beyond grateful” para sa nasabing appointment.

Ang Cagayan Economic Zone Authority ay nilikha sa bisa ng Cagayan Special Economic Zone Act of 1995, na isinulat ng nakatatandang Enrile noong siya ay senador.

-- Advertisement --

Una na rito, ang korporasyon ng gobyerno ay naatasang mamahala at mangasiwa sa pagbuo ng Cagayan Special Economic Zone at Freeport.