-- Advertisements --

Wala umanong malisya kung namamataan man na magkasama sa mga event sina John Lloyd Cruz at Katrina Halili.

Ito’y base sa kumpirmasyon mismo ng chief operating officer ng namamahala sa “comeback career” ni Cruz na si Mikki Gonzalez.

“As far as I know Katrina is a good friend like a family to him,” saad ng nasabing Crown Artist Management COO sa pep.

Una nang lumabas ang impormasyon na magkaibigan lamang ang dalawa na nagsimula noong makabili si John Lloyd ng property sa Palawan sa tulong ni Halili.

Nakabili na rin kasi ng malawak na lupain sa naturang isla ang 35-year -old sexy actress.

Katrina Joh Lloyd

At taliwas sa ilang panayam kay Katrina kung saan pitong taon na raw siyang single, lumalabas na “low profile” na matalik na kaibigan ni Lloydie pala ang kasintahan nito sa kasalukuyan.

Kung maaalala, naging kontrobersyal si Kat noong 2009 matapos pagpiyestahan sa internet ang sex videos nila ng celebrity doctor na si Hayden Kho Jr.

Sa kasagsagan ng iskandalo, boyfriend ni Halili ang singer na si Kris Lawrence at ngayo’y mayroon na silang anak kahit hindi nagkatuluyan; habang nauwi pa rin sa kasalan ang nagkalamat na relasyon ni Hayden kay Vicki Belo.