Bumandera ang pangalan ng singer na si Katy Perry sa digital version ng Tomorrowland.
Inasahan na kakantahin nito ang mga sikat na kanta nito at maging sa mga kanta mula sa bagong album nitong “Smile”.
Sinabi nito na noon pa man ay sinusundan na niya ang nasabing sikat na music festival at inaasahan niya na mapapasaya niya ang kaniyang mga fans.
Dahil sa hindi natuloy ang nasabing music fest sa Belgium bunsod ng coronavirus pandemic ay isasagawa na lamang ito sa virtually na gaganapin mula Hulyo 25 at 26 at pinamagatan itong bilang “Tomorrowland Across the World”.
Bukod sa American singer-songwriter, magtatanghal din sina David Guetta, Martin Garrix, Steve Aoki, Tiesto, Armin van Buren at Vin Vici.
Hindi lamang musical performance ang matutunghayan ng mga viewer dahil may mga interactive experience silang matutunghayan gaya ng inspirational webinars, games at workshop na may kinalaman sa lifestyle, food, fashion at Tomorrowland Foundation.