LAOAG CITY – Magsisilbing katulong pa rin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang Philippine National Police (PDEA) sa kanilang pagsasagawa operasyon laban sa iligal na droga.
Ito ang paliwanag ni regional director Atty. Marvin Tavares, ng PDEA Region 1 sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Laoag.
Ayon sa opisyal, pwedeng magsagawa ng PNP ng surveillance at monitoring sa mga barangay ngunit dapat na ibigay nila sa PDEA kung may nakita silang kaduda-duda upang makapagsagawa sila ng operasyon.
Sinabi pa ni Tavares na pwedeng mag-aresto ang mga pulis kung akto nilang nakita ang isang taong nagbebenta o kung aktong gumagamit ng iligal na droga.
Giit pa ni Tavares na hindi pwedeng magsagawa ang PNP ng search operation o drug buy bust operation dahil ito ay isang planned operation.