-- Advertisements --

KALIBO, Aklan—Nanindigan ang mga katutubong Aeta sa isla ng Boracay na ipaglaban ang natitirang lupain na kanilang pagmamay-ari upang mapakinabangan ang mga pananim sa loob ng komunidad.

Kasunod ito sa pagtake-over ng isang land developer sa pamamagitan ng pagpasok ng mga armadong gwardiya sa komunidad ng mga Aeta kung saan, nagkaroon ng tension sa magkabilang kampo dahil sa ipinagdiinan ng mga katutubo na wala pa silang natanggap na desisyon mula sa Court of Appeals sa inihain nilang apela sa ipinagkaloob sa kanila na Certificate of Land Ownership Award o CLOA.

Binigyan diin ni Atty. Daniel Dinopol, legal counsel ng Aeta Community na press release lamang ang inilabas na pahayag ng Department of Agrarian Reform (DAR) kaugnay sa pagkakaloob ng panibagong lupa sa mga Aeta dahil wala pa itong presidential order.

Itinuturing na damage control lamang aniya ito para sa DAR dahil mismong ang pamahalaan ang nagkaloob ng lupa sa mga katutubo na sa una pa lamang ay hindi nila hiniling sa gobyerno.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy ang tension sa loob ng komunidad kung saan, naidemolish na ang isang bahay sa nasabing lugar.