-- Advertisements --

Nadagdagan pa ang mga celebrities na magsusuporta kay US Vice President Kamala Harris para sa pagtakbo nito bilang pangulo.

Tahasang inanunsiyo ng singer na si Katy Perry na kaniyang susuportahan si Harris.

Bilang suporta ay nakita ang singer na nakasuot ng sumbrero na may nakasulat ang pangalan nina Harris at runningmate nito na si Tim Walz.

Nagshare din ito sa kaniyang social media ng mga video clips ni Harris.

Magugunitang matapos ang debate nina Harris at katunggali nitong si dating US President Donald Trump ay naghayag ng suporta ang singer na si Taylor Swift kay Harris.