-- Advertisements --

Nahaharap sa batikos ngayon ang singer na si Katy Perry dahil sa kaniyang bagong music video.

Ang kaniyang music video ng kantang “Lifetimes” ay kinuha kasi sa protected areas sa Spain kung saan wala ito ng permit para gawin ito.

Nagsasagawa ang mga opisyal ng Balearic Islands sa production company na gumawa ng video sa Ses Salines Natural Park.

Makikita sa video na inilabas ng singer noong Agosto 8 na ito ay kumakanta at sumasayaw pa sa protected sand dunes.

Nilinaw naman ng mga otoridad na maaring kumuha ng video sa lugar basta may paalam at kailangan may permits na kukunin sa local government.