-- Advertisements --

Itinuloy pa rin at tila walang nangyari matapos na magkaroon ng wardrobe malfunction si Katy Perry.

Naganap ito sa isang edition ng ‘American Idol’ kung saan isa ang singer bilang judge.

Bago ang pagtawag kay Roman Collins na kakantahin ang “It’s A Man’s Man’s Man’s World” ni James Brown ay doon lumuwag ang suot ni Perry na silver top.

Mabilis naman nitong tinawag ang kaniyang assistant para ayusin ang pagkakasira ng kaniyang kasuotan.

Sa social media account nito ay nagpost ito ng video ukol sa pangyayari.

Maging ang kapwa judge na si Luke Bryan ay tumulong na rin na tinakpan ang nasabing pagkakatanggal ng damit ng singer.