Pinamamadali ng pamunuan ng Department of Migrant Workers ang karagdagang tulong para sa mga OFWs na apektado ng kaguluhan sa Lebanon.
Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac , mismong si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang nag-utos na i-mobilized ang mga asset ng DMW para sa mga Pilipino sa naturang bansa.
Sinabi rin ng kalihim na nagpapatuloy ang kanilang tulong sa mga apektadong OFW partikular sa mga Pinoy na nagpahayag na ng kagustuhan na bumalik sa Pilipinas.
Batay sa datos ng ahensya , aabot sa 178 na OFW ang nanunuluyan sa tatlong shelters sa Beirut.
Dahil sa nagpapatuloy na tensyon ay posible pa aniyang madagdagan ito.
Aabot naman sa 20 mga OFW ang nakatakdang dumatin sa Pilipinas mula sa naturang lugar ngayong weekend.
Samantala, pumapalo rin sa 200 OFWs ang nakatakdang magbalik bansa ngayong buwan.