LAOAG CITY – Iprinisenta ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. ang 160 MW Pagudpud Wind Farm sa Brgy. Caparispisan sa bayan ng Pagudpud.
Sinabi ni Marcos na ang nasabing wind farm ay mahigpit at maingat na naipatayo para sa renewable energy na makakapagbigay ng green energy.
Ang Pagudpud Wind ang ikatlong ACEN’s wind development dito sa probinsya at inaasahang ito ang kauna-unahan at pinakamalaking phase expansion ng wind farm sa buong Pilipinas ay mayroong 160 megawatts na kasapasidad.
Unang nasabi ng pangulo na natapos na ang Phase 1 na may 80 MW sa unang kwarter ng 2023 habang ang natatirang kukumpleto sa 160 MW ay inaasahang matapos bago matapos ang Disiembre 2025 sa pamamagitan ng Green Energy Auction Program ng Department of Energy.
Nalaman na ang Pagudpud Wind ay gumagamit ng latest wind technology na Siemens Gamesa 132 at 145.
Mayroon din itong 32 wind turbine generators na kayang makapag-produce ngs 5 MW power.
Makakatulong rin ito sa pagbibgay ni enerhiya sa 123,875 na kabayahan at maaring mapigilan ang 344,600 metric tons na carbon dioxide kada taon.
Matatagpuan ang Pagudpud Wind sa Brgy. Balaoi at Brgy. Caunayan sa bayan ng Pagudpud at binubuo ng 32 wind turbine generators.
Samantala, maliban kay Pangulong Marcos na nanguna sa presentasyon ng proyekto ay presenter in si Mr. Jaime Augusto Zobel de Ayala, ang Chairman ng Ayala Corporation at si Mr. Eric Francia na President and CEO ng ACEN.
Kasali rin ang ibang mga opisyal katulad nina Ilocos Norte 1st District Rep. Ferdinand Alexander Sandro Marcos, Ilocos Norte Vice Gov. Cecilia Araneta-Marcos, Department of Energy Sec. Raphael “Popo” Lotilla at ERC Chairperson Monalisa Dimalinta.