-- Advertisements --

LA UNION – Naitala ang kauna-unahang Covid 19 recovery patient sa La Union.

Ito ay si Patient #21, 50 anyos na babae mula sa Santa Ana, Agoo, La Unioon.

Na confine ito sa Ilocos Training Regional & Medical Center (ITRMC) noong April 1, kung saan positibo ito. Isa siya sa dalawang confirm cases sa naturang bayan.

Una rito, nag-negatibo ito sa Covid 19 test noong April 4. Bilang protocol ng pagamutan sa mga Covid patient, nag-negatibo ulit ito sa ikalawa nitong test ngayon araw April 10, 2020.

Agad naman itong nakalabas ng pagamutan matapos itong makumpirma na wala ang virus sa kanya.