-- Advertisements --
Pumanaw na ang kauna-unahang US black Republican congresswoman na si Mia Love sa edad na 49.
Kinumpirma ito ng kaniyang pamilya na mapayapang pagpanaw sa bahay niya sa Saratoga Springs City sa Utah.
Sinabi ng kaniyang anak na si Abigale na hindi na nito nakayanan ang brain cancer.
Ang kongresista ay anak ng isang Haitian immigrants at naging kongresista ng Utah.
Nagsimula ang kaniyang political career noong 2003 ng magwagi siya ng upuan sa city council ng Saratoga Springs at sa edad na 34 ay naging alkalde.
Noong 2014 ng mahalal siya sa US House of Representatives na naging kauna-unahang black Republican woman na nagsilbi ng dalawang termino.
Nabigo siya sa ikatlong termino matapos talunin siya ni Democrat Ben McAdams.