-- Advertisements --

Nanumpa na bilang bagong pangulo ng Mexico si Claudia Sheinbaum.

Ang 62-anyos na climate scientist at dating alkalde ng Mexico City ay magiging kauna-unahang babaeng pangulo ng Mexico.

Papalitan nito si Andres Manuel Lopez Obrador kung saan maninilbihan siya ng anim na taon ng hanggang 2030.

Tiniyak nito na magiging ligtas ang mga investors at maraming mga maglalagak ng negosyo sa kaniyang bansa.