-- Advertisements --

Wagi ang Reform Party matapos nitong matalo ang Centre Party sa ginanap na general election sa bansang Estonia.

Nakakuha ng halos 29 percent na boto ang Reform Party sa pangunguna ni Member of the Europian Parliament, Kaja Kallas samantalang 23 percent lang ang Centre Party.

Si Kallas ay hihiranging kauna-unahang babaeng prime minister ng Estonia.

Ayon dito, bukas umano siya sa lahat ng alyansa na maaaring mapagtibay pa ang kanilang bansa. (with report from Bombo Sol Marquez)