-- Advertisements --

Sa loob ng isang tent nanumpa ang kauna-unahang babaeng Prime Minister ng Samoa.

Ito ay matapos na pagsarhan siya ng parliyamento ng mga kalaban niya sa pulitiko na ayaw bumaba sa puwesto.

Dahil dito ay sa garden na ng parliament nanumpa si Fiame Naomi Mata’afa.

Ayaw kasing kilalanin ng pinalitan nitong si Tuilaepa Sailele Malielegaoi ang kautusan ng korte na dapat siya ay bumaba na sa puwesto.

Umaabot sa 22 taon na nanilbihan bilang prime minister si Tuilaepa Sailele Malielegaoi.