-- Advertisements --
Itinalaga ni Pope Francis ang kauna-unahang babaeng Under-Secretary to the Synod of Bishops.
Sa katauhan ito ni Sister Nathalie Becquart ng France na siyang naitalaga sa nasabing posisyon.
Mayroon itong voting righs sa synod at mahalaga ang posisyon para magkaroon ng desisyon sa Simbahang Katolika.
Ang Synod ay siyang nagbibigay ng payo sa Santo Papa gaya ng mga kontrobersyal na usapin gaya ng divorce.
Kasabay na itinalaga ng Santo Papa si Fr. Luis Marn de San Martin bilang bagong undersecretaries.