-- Advertisements --
Pormal nang nanumpa si Ketanji Brown Jackson bilang US Supreme Court justice.
Nakagawa siya ng kasaysayan bilang unang Black woman na mamuno sa judicial body.
Magiging kabilang ang 51-anyos na si Jackson sa liberal bloc ng korte.
Siya ang ipinalit ni US President Joe Biden kay liberal Justice Stephen Breyer na magreretiro na sa mga susunod na araw.
Sinabi nito na buong puso niyang tinatanggap ang responsibilidad sa pagsuporta at pagtanggol ng konstitusyon.
Unang itinalaga si Jackson ni Biden sa US Court of Appeals ng District of Columbia Circuit matapos ang walong taon bilang federal district judge.