-- Advertisements --

Binuksan na ng Indonesia ang kauna-unahan sa Southeast Asia na bullet-train.

Ang nasabing train ay kokonekta sa dalawang malaking lungsod ng bansa at ito ay nagkakahalaga ng $7.3 bilyon.

Bahagi ng nasabing proyekto ay pinondohan ng China sa kanilang Belt and Road Infrastructure Initiative.

Tinawaga ito ng WHOOSH na pinapatakbo ng electric kaya walang direktang carbon emission ito at may bilis na 217 miles per hour.

Makakabiyahe ito mula Java hanggang Bandung sa layong 83 milya.

Binubuo ito ng walong bagon kung saan kaya itong magdala ng hanggang 601 na pasahero.

Taong 2015 ng sinimulan ang pirmahan ng nasabing proyekto at ito ay natapos na sana noong 2019 subalit naapektuhan ng COVID-19 pandemic kaya ito ay ipinagpaliban.