Umarangkada na nitong Miyerkules, Pebrero 12, ang unang araw ng Cebu Health Summit on Asian Traditional Medicine na ginanap sa Vicente Sotto Memorial Medical Center nitong lungsod ng Cebu.
Dinaluhan ito ng mga eksperto mula sa Fujian University of Traditional Chinese Medicine gayundin ng mga doktor mula sa India at South Korea.
Ang summit na tatagal hanggang Pebrero 14 ay naglalayong matuto, makipagpalitan at palalimin ang pag-unawa sa kung paano ang mga sinaunang medical practices na ito ay maaaring magkatugma sa mga modernong diskarte na nagbibigay ng isang buong diskarte.
Nauna nang ipinunto ni Cebu Gov. Gwen Garcia na sa halip na umaasa sa chemical-based na tabletas at capsules, may mga alternatibong opsyon na magagamit gaya ng traditional Chinese medicine na maaaring magbigay ng mas natural na diskarte sa pangangalagang pangkalusugan.
Sa kanyang mensahe, pinuri ni Dr. Gerardo Aquino Jr ang ‘willingness ng mga ito na ibahagi ang kaalaman ng mga eksperto sa tradisyunal na gamot at kilalang practitioner mula sa India.
Sinabi pa ni Aquino na ang summit ay isang testamento sa paniniwala na sa pagkakaiba-iba ay nakakahanap ng lakas.