Personal na ininspeksyon ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia kahapon, Nobyembre 8, ang lote ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) sa Brgy. Casay bayan ng Dalaguete Cebu na pinagplanuhang tayuan ng isang commercial airport.
Kasama ni Garcia sa pag-inspeksyon sa 7.7 ektaryang lote si TIEZA General manager Mark Lapid.
Maaari pa itong lagyan ng 1.2 kilometrong runway.
Sakaling matuloy, ito ang magiging kauna-unahang commercial airport sa mainland Cebu.
Una nang ring sinabi ng gobernador na may plano ang Mactan Cebu International Airport(MCIA) at ang lalawigan na magtayo ng ibang airport bukod sa Mactan.
Samantala, plano naman ng TIEZA na muling buksan at paunlarin ang mga pasilidad na pagmamay-ari nito sa mga kalapit na bayan ng Dalaguete sa pamamagitan ng tripartite agreement sa Kapitolyo at LGUs.
Sinabi pa ni ng gobernador na malaki pa umano ang maitutulong nito para sa kapakinabangan ng industriya ng turismo ng lalawigan at hindi na mahihirapan ang mga turistang magtungo sa timog ng Cebu.