-- Advertisements --
Binigyan na ng authorization ng US Food and Drug Administration ang unang antiviral treatment drugs laban sa COVID-19 na Paxlovid.
Ang nasabing gamot ay gawa ng kumpanyang Pfizer.
Ito ang unang antiviral COVID-19 pill na nakakuha ng authorization sa US para sa mga taong may sintomas ng nasabing sakit.
Maaari itong inumin sa kanilang mga bahay bago tuluyang lumala ang sakit at bago sila ay madala sa pagamutan.
Isa lamang ang Paxlovid sa mga antiviral drug na unang tinawag na nirmatrelvir at ang ritonavir.
Noong nakaraang linggo ay inilabas ng Pfizer ang resulta na nagpapakita na binabawasan nito ang pagkaka-ospital at kamatayan ng hanggang 89% kapag ibinigay sa mga high-risk adults ilang araw mula ng maranasan ang mga sintomas.