Aprubado na sa India para sa emergency use ang kauna unahan sa mundo na DNA vaccine laban sa COVID-19.
Ang three-dose ZyCoV-D vaccine ay pinipigilan ang symptomatic disease ng hanggang 66% doon sa mga nabakunahan.
Ayon sa vaccine maker na Cadila Healthcare balak nilang makapag-manufacture ng hanggang 120 million doses.
Ito nang ikalawang home-grown vaccine na nagawa ng India.
Sinasabing ang dating mga DNA vaccines ay epektibong gumana sa mga hayop pero ngayon lamang nakagawa ng para sa tao.
Sinabi pa ng Cadila Healthcare nagsagawa na sila ng pinakamalaking clinical trial sa India na kinabibilangan ng 28,000 volunteers sa mahigit na 50 centres.
Ito rin ang unang pagkakataon na ang pharma company ay nakapag-test ng COVID-19 vaccine ng 1,000 katao na nasa 12 hanggang 18-anyos.
Una rito ang India ay nakapagturok na ng 570 million doses ng tatlong mga vaccines na kinabibilangan ng Covishield, Covaxin at Sputnik V.